Linggo, Oktubre 5, 2008

Bonsai at Bonsaista

Minsan akong napagawi diyan sa Ilocos Sur, nagliwaliw nang kaunti, binalikan ang mga pook na binanggit ni Reynaldo A. Duque sa kaniyang epiko, at sumakit ang batok sa kalilingon sa magagandang binibini. Isang araw, napadaan kami sa Hidden Garden ng Vigan, nagtanghalian nang masarap. Ngunit ang naibigan ko ay ang koleksiyon ng mga bonsai ni Francis Flores, na bukod sa landscape artist ay nagmamay-ari rin ng Hidden Garden. Malamig sa hardin ni Francis, at nakaaaliw magmasid sa mga bulaklak, halaman, at palumpong, bukod sa mga alagang ilahás na hayop at ibon.

"Magkano ba ang bonsai ninyo?" tanong ko sa isang babaeng tagapagbantay. Hindi na nila ipinagbibili ang mga bonsai, at ang mga ito ay personal na alaga ng may-ari. Nainggit talaga ako. Tuwing nakakakita ako ng bonsai na maganda ay gustong kong bilhin, pero dahil kulang ang aking atik ay nagkasiya na lamang akong magmasid. Naalala ko rin ang mga bonsai ni Pambansang Alagad ng Sining BenCab sa kaniyang palasyo sa Baguio, na halos ikamatay ko sa ganda. Ngayon pulos pangarap na lamang ako. Sana ay marami pa akong taong makaibigan na mahilig ding mag-bonsai. Malay mo, regaluhan nila ako.

Iyan ang maganda sa pangangarap.

Walang komento: