Panahon ng habagat ang simula ng panunungkulan ng bagong pangulo ng Filipinas. Siya, gaya ng iba pang opisyales ng gobyerno, ay dapat mag-ingat sa kontrobersiya, at maibibilang dito ang mga lihim na ugnayan na sinisimulang halukayin at may kaugnayan sa kalugurang sensuwal. Ito ay dahil maaaring ilantad ang mga bakás na pawang naiwan sa kama at silid, at kung may tainga ang lupa'y ihahatid ng mga de-kolor na bagwis ang balita sa Twitter at himpapawid.
Ang pagsapit ng habagat ay simula ng pag-iiba ng ihip ng mga damdamin at isip. Kung para sa iba'y naghahatid ng paglalakbay ang habagat, may ibang tao na tatanggap ng sakuna at pighati na may kaugnayan sa tubig at luha. Ngunit huwag mabahala. Kailangan ang habagat, at ang hanging ito ay magdadala sa gaya ni Odysseus pabalik sa kaniyang Ithaca. Kinakailangan ang tatag ng kalooban sa panahong ito, dahil maaaring dumilim ang mga pagpapasiya nang hindi inaasahan, at magiging titis ito ng maaanghang na usap-usapan.
Makabubuting mag-ingat. Ang panganib ay magiging panganib lamang kung laging nasa likod ng isip; higit na mahalaga ang pagpapatibay ng lunggati—na kinakailangan hindi lamang sa pagpapaandar ng Malacañang, kundi sa ugnayang personal.
Martes, Hunyo 1, 2010
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento